Make your own free website on Tripod.com

Lonlisaint`s Website

Pinoy Love Quotes 4

Home
Pinoy Love Quotes
English Love Quotes
Famous Quotes of All Time -Year 2000
Famous Quotes of All Time - Year 2001
Famous Quotes of All Time - Year 2002

Ilang beses mo na ko sinaktan, ilang beses mo na kong pinaiyak at ilang beses na kitang pinatawad. Pero bakit di mo ako pagbigyan na makasama at mahalin ka, kahit minsan lang?
 
I miss you, even if you don't. I love you, although you can't. Basta sa akin, maipakita't maiparamdam kong mahal kita kahit walang kapalit. Ok lang yun, kahit masakit, patunay lang kung gaano kita kamahal.
 
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa na ika'y akin na at iniwan mo sha. Pero bakit di ako lubos na maligaya? Dahil ba alam ko na hanggang ngayon, mahal mo pa rin sha?
 
Paalam na, mashado nang masakit para ipagpatuloy pa. Isang malaking katangahan kung aasa pa. Ako muna'y lalayo, ako muna'y iiwas. Ngunit hinding-hindi ko makakalimutan na minsan, minahal kita ng lubusan.
 
Akala ko noon, tapos na. Akala ko nakalimutan na kita. Di ko inaasahang aabot ng ganito. Nababaliw na ako sa pagmamahal sayo. Heto tanong ko, ako kaya minahal mo?
 
Bakit ayaw mo ko patawarin? Gagawin ko na nga lahat para sayo tapos ginagawa mo akong gago. Alam mo, masakit yun kasi sobrang mahal kita. Shit! Oo nga pala, may mahal kang iba.
 
Akala mo manhid ako. Akala mo siya ang mahal ko. Akala mo kaibigan ka lang sa akin. Yan ang hirap sayo e, kaka-isip mo sa mga akala mo, di mo na naisip na yun lang din ang akala ko.
 
Malungkot ka, nag-joke ako, tawa ka, tawa ako. May problema ka, joke ulit ako, tawa ka, tawa ako. Nagalit ka, joke pa rin ako, tawa ka, tawa ako. Sinabi ko mahal kita, akala mo joke, tumawa ka, napaiyak mo ako.
 
Ayun sha, kasama ang taong pinakamamahal niya. Sila'y masaya, tunay na masaya. At heto ako, lumuluha at umaasa pa rin na darating ang panahon na ako'y mamahalin din niya, mamahalin din niyang muli.
 
Sabi mo masarap may inaalagaan. Sabi mo masarap magmahal. Sabi mo di ako masasaktan. Pero bakit di mo sinabi na masakit palang mahalin ka? Dahil may mahal ka nang iba.
 
Sino mahal mo? Ah, sha pala yun. Kaya pala nasasaktan ako. Pero ok lang yun! Kasi alam kong masaya ka, kahit masakit. Kasi, mahal kita.
 
You brighten my day, di ka naman araw. You light up my life, di ka naman ilaw. You make me smile, di ka naman bulalakaw. You warm my heart, di ka naman sabaw. Mahal kita, yan malinaw.
 
Kagabi, may bumisita sa aking angel. Nagpaalam sha dahil kukunin ka na raw niya. Alam mo bakit di niya ginawa? Sabi ko kasi, "May langit na nga kayo, wag niyo namang kunin langit ko."
 
Minsan, natanong ko sa sarili ko, "May nagmamahal pa ba sa akin?" Sabi meron daw, pero di ko makita, di ko maramdaman. Siguro nga tanga ako, nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan, parang ikaw.
 
Nagmahal ka na ba pero inakala mong mali kaya tinago mo na lang? Nasaktan ka na ba dahil alam mong mahal mo sha pero di mo mapakita? Nasubukan mo na bang magsisi dahil dapat sana sayo sha? Kung pinadama mo lang sana.
 
Hibang ba ako dahil iniisip kita? Dahil sa akin, ikaw lang ang mahalaga? Dahil patuloy akong umaasa? Hmp! Kung ano man yun, ito lang ang alam ko, hibang ako kasi mahal kita.
 
Dati masaya, kaya lang lumayo ka. Hanggang ngayon, di ko alam kung bakit. Saan ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Nandito ako ngayon, umiiyak at nagtatanong, minahal mo ba talaga ako o pinagselos mo lang ang mahal mo?
 
Ang hirap umasa sa wala. Ang hirap magmahal ng may mahal ng iba. Ang hirap ipagtanggol ang walang pakialam sa nararamdaman mo. Higit sa lahat, ang hirap masaktan ng wala kang karapatan.
 
Marami akong hindi maintindihan. Sabi mo mahal mo ako. Bakit mo ako sinaktan? Pinaasa? Binalewala? Kung gaano kita kamahal, ganon mo din ako sinaktan. Bakit ganon? Mahal ba kita dahil ganyan ka, o ganyan ka dahil mahal kita?
 
There are times when no one seems to listen, no one seems to care. Don't forget that whenever a tear falls down your cheek, I will wipe it for you, then hug you and whisper, "Tama na, nandito pa naman ako e."
 
Sabi mo mahal mo ako, pero nagawa mo akong iwan. May kapalit na nga diba? Ganyan ka ba talaga magmahal? Hai, basta ako, mahal na mahal pa din kita at di yun magbabago. Kahit alam kong katangahan.
 
Akala nila sayo na ako at akin ka na. Akala nila mahal natin ang isa't isa. Akala nila tayo na kasi sobra tayo sa lahat. Tangina, pati ako napaniwala. Akala ko tuloy, tayo na.
 
Nabangga mo ako at minahal kita, pero pinaluha mo ako. Nagawa mo yun dahil mahal mo pa sha. Sa pagmamadali mong lapitan sha di mo na narinig na sinabi kong, "Saglit lang, mahal pa kita."
 
Kapag in love, masaya kapag lagi shang nandito. Pero kapag biglaan kang iniwan agos ang luha sa mugtong mata. Masasabi mo na lang sa kayakap na kaibigan, "Kahit mahal ko sha, putangina niya".
 
Kung makakasama kita buong buhay ko, di kita iiwan, di kita pababayaan, di kita sasaktan, aalagaan kita, mamahalin ng sobra. Alam mo, gusto ko katabi kita ngayon, para malaman mo na ikaw ang buhay ko.
 
Madalas kong isipin, saan ko ilulugar sarili ko sayo? O kung may lugar pa ba? Kapag bibitaw na ko, dumarating ka at pinaparamdam na meron pang tayo. Ngayon, darating ka pa ba o bibitaw na ko?
 
Talaga nga naman, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat. Kahit ano sabihin niya, dali-dali mong gagawin. Kahit anong iutos, ok lang basta sha. E paano kung utusan ka niyang kalimutan mo sha, magawa mo kaya?
 
Bakit ka pa nag-iisa? Nandito naman ako para samahan ka. Bakit ka pa umiiyak? Nandito naman ako para patawanin ka. Bakit ka pa umalis? Di naman kita iniwan. Bakit ka pa nagmahal ng iba? Nandito naman ako para mahalin ka.
 
Di pa nga nagsisimula ang laban, sumuko ka na agad. Akala mo iba mahal niya, kaya tinago mo na lang. Paano kung mahal ka pala niya? Hinihintay lang niyang sabihin mong mahal mo rin sha.
 
Minahal ko ang stars pero nung dumating ang clouds, nawalan sila ng sparkle. Minahal ko ang moon pero nung dumating ang sun, nawalan na sha ng light. Natatakot tuloy akong mahalin ka, dahil baka kapag dumating sha, mawala ka nang bigla.
 
Kahapon ang saya saya ko kasi andyan ka. Sinamahan mo ako saan man ako magpunta. Nung nakita mo sha, sinamahan mo sha, pumayag ako. Bakit? Di ka naman akin, diba?
 
Alam mo, nakaka-inis sha! Di ako pinapansin, di ako naiisip. Pero, inis din ako sa sarili ko. Alam mo kung bakit? Kasi mahal na mahal ko sha.
 
Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar, hindi ka dapat umasa o di kaya mainis sa kanya. Bakit? Anong karapatan mo? Kaibigan ka lang diba?
 
Dati, I'm afraid to love kasi bata pa ako. But now, I'm afraid to say goodbye. As time goes by, I'm learning to let go. Ano kaya susunod? Siguro I'll learn to hold on, kaya lang wag muna, kaka-let go ko pa lang sayo.

 
Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo lahat ginawa mo para sa akin. Sabi mo nasaktan kita kasi iniwan kita. Sabi mo inayakan mo ko. E ako? Tinanong mo ba kung nasaktan ako nung pinabayaan mo ko sa kanya kahit alam mo na mas mahal kita?
 
Ok na ko, hindi ka pa. Anong problema, ako ba? Masaya na ko, malungkot ka, bakit ba laging salungat ka? Tahimik na ko, utak mo'y magulo pa, dahil ba ako ang kasama mo at hindi sha?
 
Oo, alam ko na nagkamali ako. Pero ngayon alam ko na yun, alam kong iniwan kita. Pero matatanggap mo ba ako? Kahit na sobrang sakit ang nabigay ko sayo? Matatanggap mo pa ba ako?
 
I know that you already found the right person who you think will love you more than I did. Don't worry, I'm not hurt, I'd wait. and if you come back, I'll just say, "Wag ka mag-alala, mahal pa din kita"
 
Kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong mararamdaman. Ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking luha? Pareho lang tayong nasasaktan, ikaw sa kanya at ako sayo.
 
Sabi nila, wala kang kwenta. Sabi ko, meron dahil buong buhay ko, umikot lang sayo. Sabi pa nila, di mo ako pinagtatanggol. Sabi ko, nagawa mo na, wag daw saktan ang friend niya. Sabi nila, "Kita mo na, friend ka lang?"
 
What if someone longs for you patiently? What if someone cares for you secretly? What if someone misses you terribly? What if someone loves you deeply? Hai, kung alam mo lang na ako si "Someone".
 
One of the worst questions a person could ever ask you: "Akala ko ba mahal ka niya?" then you'll look down and say, "Akala ko rin e, I was wrong pala".
 
Mahal mo ako, mahal kita. Alam naman nating dalawa yun. Masaya ako kapag kasama kita, sayo ako tumatakbo kapag iniwan nila, magkaibigan tayo sabi mo nga. Pero hanggang pagkakaibigan na lang ba talaga?
 
Ikaw ang buhay ko, ako ang kamatayan mo. Ikaw ang mahal ko, ako ang kaaway mo. Ikaw ang langit ko, ako ang impyerno mo. Ganyan ba ako talaga? Minahal naman kita ng sobra ha?
 
Akala ko tayong dalawa? Akala ko importante ako sayo? Akala ko di mo ako iiwan? Akala ko ba mahal mo ako? Kung mahal mo ako, bakit mo ako ginaganito?
 
Alam mo naman na mahal kita, diba? Alam mo naman na ikaw lang talaga, diba? Alam mo naman diba, na di ko kayang mawala ka? Alam mo naman pala e! Bakit mo ako iniwan at binalewala?
 
Sabi nila unfair daw ang mundo. Kapag may nagmamahal sayo, pilit kang lumalayo. Kapag may minamahal ka, umiiwas naman sila. Pero bakit ganon? Nung ikaw yung minahal ko, di ka lumayo?
 
Nasaktan ka nung nakita mong kasama ko sha. Nasaktan ka nung nakita mong masaya ako sa piling niya. Nasaktan ka nung malaman mong mahal ko sha. Wish ko lang hindi ka na masasaktan, kasi hindi mo lang alam, ikaw talaga mahal ko at hindi sha.
 
How could you easily forget someone whom you love more than your life, whom you give almost everything even your own happiness, then suddenly tell you, "Sorry, di na kasi kita mahal e, sha na mahal ko."
 
Di ko ginusto, nahulog lang ako sayo. Di ko pinigilan kasi akala ko mahal mo rin ako. Di ko akalain, masasaktan ako ng ganito. Di ko napansin, mukha na pala akong tanga. Pero wala ka nang magagawa, mahal na kita.
 
Sayang, di ko sha binigyan ng isa pang pagkakataon. Sayang, sinarado ko agad yung puso ko. Sayang, iniwan ko na lang sha basta. Akala ko kasi mahal mo ko, di pala.
 
Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, sino lang yung natirang nagmamahal? Ako lang diba?
 
Sabi nila mang-gagamit ka daw. Sabi nila hindi mo naman daw ako mahal. Sabi nila nagtitiis ka lang daw sa akin. Sabi ko sa kanila, handa naman akong iwanan mo ako e, makita lang kitang masaya.
 
Akala ko mahal mo ako? Akala ko ako lang? Akala ko di mo ko sasaktan? Tangina! Akala ko lang yun! Tanga ko noh? Akala ko kasi di mo ko iiwan e, sinungaling ka pala.
 
Alam mo mahal kita. E ano naman pala sayo? Wala lang diba? Kahit na magmukha na akong tanga, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Simpleng kaibigan lang naman ako diba?
 
Lord, let me accept the fact that this is the farthest that I can get, the closest I could be and the clearest that I shall see and no matter what I do, I can never make him love me too. Hanggang dito na lang talaga ako.
 
Bakit kaya may mga taong gustong mag-isa? Ako, ayoko nga! Malungkot. Nakakabaliw. Nakakagago. Nakaka-irita. Nakakamatay. Kayo ako, hinding-hindi kita iiwan kasi ayokong mangyari sayo yung ginawa mo sa akin.
 
Ngayon ay iniiyakan mo sha dahil nagkamali ka, pinaglaruan mo ang kanyang puso. Pero ngayon, hinahanap mo sha dahil mahal mo pa pala sha. Pero huli ka na, dahil puso niya'y akin na.
 
Mahal kita, matagal na. Alam ko din na mahal mo sha. Pero, sinabi ko pa rin sayo yung nararamdaman ko. Tapos, nagkita tayo, lumapit ka, sabay hirit: "Uy! Kami na!"
 
Umiyak ka? Dahil sa kanya na naman? Mahal mo sha diba? Pero may mahal shang iba. Ang sakit noh? Pero sana isang araw, malaman mo na di lang ikaw ang nasasaktan. Di mo lang napapansin na nandito lang ako, nagmamahal sayo.
 
Nung sinaktan mo ako, umiyak ako. Nung iniwan mo ako, tinanggap ko lang. Hindi kita pipiliting maging akin dahil alam ko kung ano ang magpapasaya sayo, sha.
 
Mahal kita, mahal mo sha. Sha naman di ka kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Ikaw kasi gago, sha naman manhid. Parang ikaw at ako… ikaw yung manhid, ako naman nagpapakagago sayo.
 
Miss you! Sobra! Grabe! Di ko nga alam bakit basta alam ko miss kita. Ah! Alam ko na dahilan! Kasi mahal kita, mahal na mahal! Ikaw? Miss mo rin ba ako?
 
Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo noh? Dahil akala ko di kita kailangan, akala ko di kita mamahalin pero mali pala ako. At nung inaakala kong minamahal mo ako, ni minsan, di pala nagkatotoo.
 
Naiisip mo ba kung paano buhay mo nang wala ako? Siguro normal pa rin lahat para sayo. Pero sa akin? Siguro magmumukmok ako sa isang tabi nag-iisip kung bakit yung buhay ko parang kulang.
 
Kapag wala ka na, di na ako iiyak. Kapag wala ka na, di na ako malulungkot. Kapag wala ka na, di na ako matatakot. Kapag wala ka na di na ako magmumukhang tanga. Alam mo kung bakit? Kasi wala na rin ako.
 
Mahal mo pa sha? Mahal ka ba niya? Kasi may gusto sana akong sabihin, mahal kasi kita e! Kaya lang huli na ata. Pero kung wala na sha, nandito lang ako, naghihintay.
 
Sabi mo mahal mo ako, sabi mo rin seryoso ka. Nag-promise ka pa nga diba? Yun naman pala e, pero bakit hindi naging tayo? Siguro kasi andyan sha at mas mahal mo sha, diba?
 
Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo, muntik ko nang sabihin na mahal kita. Pero nung sasabihin ko na, napatigil ako. Dahil bigla mong sinabi, "Alam mo, miss ko na sha."
 
Isang araw, parang mahal mo ako. Isang araw, hindi mo ako pinapansin at parang wala lang ako sayo. Isang araw, sabi mo mahal mo ako. Sabay isang araw sabi mo, "Uy! Loko lang yun ha! Baka seryosohin mo."
 
Ayokong magtanong kasi ayokong malaman. Ayokong malaman kasi ayokong masaktan. Pero bakit pa ako aayaw kung ikaw na ang nagsabing, "Ayoko sayo."
 
Sana ako na lang ang kaharap mo nung sinabi mong "Mahal kita" kasi yun din naman nararamdaman ko para sayo. Kung bakit kasi sa kanya pa. Yan tuloy, umiiyak ka na naman.
 
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo. Alam kong mahal kita, pero tama bang sabihin yun kung hanggang kaibigan lang tayo? Bakit hindi natin malagyan ng kahulagan sa bawat pagsabi mo na mahal mo rin ako? Kasi nga hanggang kaibigan lang tayo, hanggang doon na lang.
 
Bakit? Anong ginawa ko? Bigla ka na lang nagbago. Magkaibigan naman tayo diba? Pero bakit ngayon wala na? Parang wala na sayo ang lahat ng ating pinagdaanan. Anong kasalanan ko? Ang sakit ng pinagdaanan ko para makalimutan kita, pero hindi ko magawa. Ngayon umaasa na lang ako. Siguro nga umaasa sa wala dahil ayaw kitang mawala.
 
Bakit ba ako nagpapakagago sayo? Ano bang meron ka at minahal kita ng sobra? Lalo mo akong sinaktan nang malaman mong mahal kita. Hirap kasi sayo, di ka naman niya mahal pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Mahal mo ba sha o pilit mo lang akong sinasaktan?
 
What if na-realize mong hindi pala sha? What if na-realize mong ako pala talaga? Pero what if nung time na yun, may mahal na akong iba at na-realize ko rin na hindi talaga tayo para sa isa't isa?
 
Ayaw mo ba sa akin? Sabihin mo naman yung totoo. Ang hirap kasi e, ang sakit-sakit. Lagi na lang akong umaasa sa taong minahal ko ng sobra-sobra…na iiwan lang pala akong mag-isa.
 
When you're sad, I'm lonely. When you're happy, I'm glad. Remember that whatever you feel, I feel it twice. So kung feel mo love mo ko…hello? Mas love kaya kita.
 
If I were an angel, I'd guide and protect you. If I were an angel, I'd watch over you. But what can I do? Ikaw angel, hindi ako.
 
Our closeness means a lot to me. You cry, I cry. You laugh, I laugh. You jump out of the window, I won't! Instead, I'll catch you and say: "Di ba walang iwanan?"
 
Buong akala ko nakalimutan na kita. Pero nang malaman ko na may iba ka na, naramdaman ko, masakit pa rin pala. Pero hayaan mo, dito lang ako, maghihintay sa pagbabalik ng pagmamahal mo.
 
Wala na naman sha sa buhay ko. Pero ang huli niyang sabi, sana ako na lang… Sana lang yun, pero bakit ganon? Bakit andyan pa rin sha, andyan pa rin. Ayaw niyang umalis kahit meron na shang iba. Bakit?
 
Di naman ako umaasang mahalin mo ako. Ok lang naman sa akin kung ayaw mo talaga. Pero sana naman wag mo na ipamukha sa akin kung gaano mo sha kamahal. Kasi ang sakit e, ang sakit-sakit.
 
Bakit ganon? Ang hirap magmahal ng sobra-sobra. Nagbago ka dahil sa kanya, ipinaglaban mo pa. Mahal na mahal mo sha samantalang sha, walang ibang ginawa kundi paiyakin ka.
 
Hinintay kita dahil akala ko ikaw na. Hinintay kita dahil akala ko totoo ka na. Hinintay kita kaya binalewala ko yung iba. Naghintay ako dahil mahal kita. Yun pala, naghintay ako sa wala. Ang laki kong tanga…
 
Sabi nila mas mabuting sabihin mo directly sa tao na mahal mo sha kasi baka makuha ka pa niyang mahalin. Bakit ako, sinabi ko na nga e parang wala pa rin siyang pakialam o baka manhid lang talaga ikaw?
 
Kapag mahal mo ang isang tao, hahamakin mo lahat, malaman niya lang na mahal mo sha talaga, kakayanin ang sakit, kahit di niya tanggapin. Kaya gusto kong sabihin na mahal kita, kahit alam kong di mo naman ako mahal.
 
Remember nung nag-wish ka sa falling star? Sabi mo, sana may lubos na magmahal sayo. After a few years, sabi mo di ka na naniniwala sa falling star. Kung alam mo lang, love na kita bago ka pa mag-wish.
 
Bakit ngayong wala ka na, tsaka kita napansin? Bakit ngayong iniwan mo na ako, tsaka kita binigyan ng halaga? At bakit ngayong may mahal ka nang iba, tsaka ko nalaman na mahal kita?
 
Nung gabing iyon, halos tumulo ang aking luha sa aking nadarama nang iyong sinabi: "Ayoko na." Masakit mang isipin, pero kailangan tanggapin, hindi naman pwedeng habang buhay ka akin.
 
Masakit kapag yung taong mahal mo iniwan ka. Masakit kapag nakita mo, may kasama siyang iba. Pero diba mas masakit kapag nakita mo na masaya sha? Masaya sha dahil wala ka na.
 
Bakit ba ganon? Parepareho sila, lahat iniwan ako, lahat sinaktan ako. Pero bakit ganon? Gusto ko pa rin magmahal. Alam mo kung bakit? Kasi alam ko, darating ka!
 
Magmahal? Oo! Marunong ako non! Yun bang tipong tanga ka na pero sige pa rin kasi mahal mo sha talaga? Pero sa bandang huli itatanong mo, "Tanga ba talaga ako? O mahal lang talaga kita?"
 
Takot akong mawala ka. Hindi ko alam kung bakit, hindi dahil hindi ako mabubuhay ng wala ka kundi dahil takot akong makita ka na mayroon ng iba kasi mahal kita.
 
Paano kung yung love mo, may love nang iba? Masakit pa don, close friend mo mahal niya! Shocks! Pero grabe, kahit masakit, ilalakad mo pa rin sha sa kanya. Kahit nakakamatay ng puso, basta para sa kanya.
 
Bakit ganon? May mga taong manhid, di nila nararamdaman na may nagmamahal sa kanila, kahit obvious na nga at lahat ng tao alam na. Kainis noh? Bakit? Guilty ka noh? Talaga! Dapat ma-guilty ka! Kasi, manhid ka!
 
Tanga daw ako nung pinakawalan kita, gago daw ako mas pinili kong lumisan ka, tangina ko daw pumayag akong magmahal ka ng iba, ulol sila, di ko kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong di ako mahal.
 
Paano mo malalaman na mahal ka niya? Simple lang, tumalon ka at isigaw mong mahal na mahal mo sha. Pero kung di ka niya saluhin, wag kang mag-alala. Ano pa ang silbi ko? Taga-salo mo kapag wala sha.
 
Na-feel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na sha. Wala na, tapos na ang lahat. Tapos, isang araw nagkita kayo, ngumiti sha sayo. Nasabi mo na lang "Tangina, mahal ko pa rin itong gagong 'to!"
 
Bakit ganon ang mga kaibigan? Kapag may kaaway ka ipagtatanggol ka, kapag may sakit ka babantayan ka, kapag may problema ka dadamayan ka, kapag masaya ka makikitawa sayo. Pero bakit kapag natutunan mong mahalin, lumalayo?
 
Lahat na ginawa ko para malapit sayo pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin nagbabago? Alam na nang lahat na sayo ako'y may gusto, ngunit bakit parang nagkamali na naman ang puso ko? Masasaktan ba ulit ako?
 
Oo na, mahal mo sha. Ilang beses mo bang uulit-ulitin yan sa akin? Kahit na masakit, pakikinggan pa rin kita, sabi mo e! Pero, tangina naman, mag-ingat ka naman sa mga sinasabi mo, nakakasakit ka na ng ibang tao e.
 
Sabi nila kalimutan na kita, sabi nila maghanap na lang ako ng iba. Nasasaktan lang daw ako kapag kasama kita, dahil ibang tao ang mahal mo. Ang sabi ko sa kanila "E ano ngayon? Sha ang nasa puso ko."

 
Bakit kapag love natin ng sobra-sobra ang isang tao, handa nating iwanan ang lahat. Pero bakit ganon? Kahit lahat ginawa mo na, bakit wala pa rin magawa para makalimutan na niya yung mahal niyang di naman sha binibigyang halaga?
 
Naisip ko ang daya talaga. Nandito ako umiiyak habang sha ay masaya at may ibang kasama. Swerte ng taong ito, iniiyakan ko pero ang pinagtataka ko, kahit masakit, narito pa rin ako, naghihintay sayo.
 
Nung makita kita, sabi ko ikaw na nga. Nung una kitang makausap, sabi ko ikaw nga. Nung maging magkaibigan tayo, sabi ko sana ikaw na nga, pero bakit nung makita mo sha, sinabi mo sa akin na "Sha na nga."
 
Minsan, kapag mahal mo, kahit magkamali, tahimik ka lang, kahit sobrang sakit na. Kailan ko kaya masasabi sayo na mahal kita at sinaktan mo ako?
 
Paano ko sasabihin na mahal kita kung pag-aari ka na ng iba? Masakit man pero kailangan kong tiisin na kahit mahal kita, hindi na pwede kasi kanya ka na!
 
Masakit man isipin, alam kong may iba ka na. Ayoko man tanggapin, alam kong mahal mo talaga sha. Kaya ngayon, nandito ako nag-iisip, minsan umiiyak. Siguro dahil ikaw pa rin talaga.
 
I hate you! Why? Coz I don't hate you now, not even a little, not even at all. Galit ako sayo pero higit sa sarili ko dahil hindi ko magawang kalimutan ka hanggang ngayon.
 
When I said I like you, you smiled at me. When I said I miss you, you said I miss you too. And when I said I love you, you said "Ok ka lang?"
Tuwang-tuwa nang kita'y makita, nagagalak nang kita'y makilala, minahal ng tumagal-tagal pa. Ngunit matanong ko lang… minsan, naisip mo bang kailangan ko ng pagmamahal o manhid ka lang talaga?
 
Alam ko kung paano umiyak kasi umiyak na ako sayo. Alam ko kung paano masaktan kasi sinaktan mo na ako. Alam ko kung paano umasa kasi pinaasa mo na ako. Pero alam mo kung anong hindi ko alam? Hindi ko alam kung paano magmahal kasi kahit kailan hindi mo naman ako minahal.
 
Ganyan ka na ngayon, di mo na inisip na may masasaktan sa ginawa mo, inisip mo lang yung sarili mo. Bakit ba ganyan ka? Talaga bang manhid ka lang o di mo nga talaga ako mahal?
 
Paano mo malalaman kung mahal mo isang tao? Kapag hinahanap-hanap mo ba? Kapag nami-miss mo? Siguro. Pero mahal mo talaga kapag masaya ka basta masaya sha, kahit sa piling ng iba.
 
Pinahalagahan kita, niloko mo ako. Inalagaan kita, pinabayaan mo ako. Minahal kita, sinaktan mo ako. Pinakawalan kita, iniwan mo nga ako.
 
There are times I want to be mad, there are times I want to give you up, there are times I want to cry, but no matter how many times I think about that, I always end up saying "Tangina, mahal nga kita".
 
Bakit bigla kita na-miss? Ewan ko, di ko alam, wala akong clue. Lagi namang ganito. Di napipigilan, di naiiwasan, pero kahit ano pa ang sabihin ko, walang silbi, may nami-miss ka rin e, di nga lang ako.
 
Akala ko pulubi na ako. Binuksan ko wallet ko, walang pera. Kinapa ko ang bulsa ko, may iilang barya. Pagtingin ko sa puso ko, naroon ka, mayaman pala ako!
 
Ganda ng ngiti ah! Ah, dahil nga pala sa kanya. Bakit? Mahal ka ba non? Totoo? Kasi kung hindi, nandito lang ako para iyakan mo o di kaya mahalin. Kahit minsan lang.
 
Alam mo, I love you so much today. Tomorrow, I'm sure I love you more. Until the rest of my life…ikaw? Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin? Kapag di na kita mahal?
 
Minsan pinipilit turuan ang puso, bawal ito, bawal yan; tama ito, tama yan. Kaso naisip ko may sariling isip ang puso at may sariling puso ang isip at yan ang hahawak at magpapagalaw sa buhay mo, tama man o mali, bawal man o hindi.
 
Heto ako, malapit na sa taas. Tapos na sa pag-iyak, tapos na sa lahat. Bakit ngayon, ngayong nasa may dulo na ako, saka ka pa dumating? Mahuhulog na naman ba ako na walang sasalo sa akin?
 
Pinilit kitang iwasan pero mahirap. Pinilit kitang kalimutan pero hindi ko kaya. Pero mas mahirap palang ipilit ang sarili sa taong gusto mo pero ayaw naman sayo.
 
I miss the way you talk to me or the way you say "Uy, musta?" The way you wave and say "Ingat ka lagi ha" but the thing I miss most is when you say "Ok lang yan, nandito
naman ako e
 
I fell for you and I know that its not right, that's why I tried to be over you, tried not to care, tried not to love you. But no matter what I do, every time you're near, I always say: "Tangina! Bahala na, mahal kita e!".
 
Di ko alam kung bakit ako ganito, di ko alam kung anong ginawa mo, di ko alam kung bakit ikaw pa ang napili ko. Pero ito lang ang alam kong totoo, ikaw lang ang minahal ko ng ganito.
 
Sabi nila gago ako, sabi nila bobo ako, sabi nila ang tanga ako. Lahat na sinabi nila, bakit mahal pa rin daw kita? Sabi ko, akala ko may pag-asa e wala pala!
 
I am an angel kicked from heaven kasi nakagawa ako ng bad kaya may punishment ako. Bantayan daw kita para magbago ka. Pwede wag kang magbago? Para di ako kunin sayo.. Ok lang ba?
 
Matagal na kitang mahal. Alam yun ng iba. Ngunit bakit ikaw, hanggang ngayon hindi pa. Nakita kitang masaya at nakatawa, lalapitan na sana kita. Kaya lang, tangina, kasama mo sha.
 
Malungkot ka na naman? Bakit? Kasi walang may mahal sayo? Hainaco! Tampo ko sayo! Lagi mo na lang ako kinakalimutan. Ilang beses ko ba sasabihin? Ako, mahal kita.
 
Kapag sinabi kong mahal kita maniniwala ka kaya? Siguro hindi kasi di mo naman ako siniseryoso. Kung maniwala ka naman siguro di mo na papansinin kasi di mo naman ako mahal at iba ang mahal mo.
 
Minsan natuto akong magmahal, minsan natuto akong masaktan, minsan natuto akong umasa. Kasi minsan, minahal kita ng sobra-sobra.
 
Masakit, di dahil di mo ko mahal ngunit dahil di mo ko sinubukang mahalin. Masakit, di dahil mahal mo sha kundi dahil alam kong kahit tayong dalawa na lang ang tao sa mundo, kaibigan lang talaga ako sayo.
 
I know that I'm a friend, but how come I dream of you and feel different about you? Maybe its because I didn't know that I love you…so I just keep telling myself, "Kung alam mo lang na sobrang mahal na kita."
 
If you hesitate when I hold your hand, I'll let you go. If you run away when I give you a kiss, I'll let you go. But once you let me give you a hug, kahit isang beses lang, naku, Di ka na makakawala!
 
Bakit ganon? Kahit anong sakit naman tiniis ko, kahit anong hirap tinago ko, kahit sinong masaktan binalewala ko, kahit sobra sobra pagmamahal ko sayo, bakit ganon? Di mo pa rin makita?
 
Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? Bakit kung kailan natuto akong magtiis doon ka sumuko? Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin doon ka lumayo? Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?
 
Alam mo, gago sha. Di niya ko naiintindihan, di niya ko mahal at di niya ko pinahalagahan. Pero mas gago ako. Alam mo kung bakit? Kasi minahal ko ang isang gago.
 
When confused about love, follow your heart. It may not always be right but you will have memories that will make you smile and say: "Shit! Nagkamali na naman ako!"
 
Sabi nila mahirap ka daw abutin, paki ko, mahal kita! Sabi nila wag na daw kitang pagpantasyahan, paki ko, mahal kita! Mahal na mahal kita, alam mo ba yun? Paki mo, e may mahal ka namang iba!
 
Everytime you cry for the one you love I often tell you, "Mahal mo nga sha." not knowing that while your crying I also cry secretly coz mahal na mahal kita ngunit may mahal ka nang iba.
 
Isn't it stupid when we want to express our feelings to the person we love but we're holding back coz we know we can't have them forever. Then when they're gone, we say: "Sayang, kung alam lang niya…"
 
Alam mo yung mahal mo, mahal ka din. Pero nasa iyo sha wala sa akin. Lahat na ginawa ko para ako na lang ang mahalin, pero baliwala kasi ikaw pa din. Hindi ko alam kung ano na ang dapat gawin…kasi yung mahal ko, mahal mo, at mahal ka din.
 
Before, I believe in wishing star, but now I don't. Maybe because I just didn't get what I wanted. You know what I wished for? I wished for my love to love me back, kaya lang hindi mo ko minahal.

 

Home

all rights reserved: RogerBeng Nunez