Make your own free website on Tripod.com

Lonlisaint`s Website

Pinoy Love Quotes 3

Home
Pinoy Love Quotes
English Love Quotes
Famous Quotes of All Time -Year 2000
Famous Quotes of All Time - Year 2001
Famous Quotes of All Time - Year 2002

Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo di mo kaya kapag wala ako. Sabi mo tayo pa nga sa huli diba? Pero bakit ganon? Ikaw ang unang bumitaw, unang sumuko. Akala ko matatag ka. Nagkamali ako, hindi pala.
 
Nagmahal ako, sabi nila tama na! Naghanap ako ng iba, sabi nila parehas lang sila! Tinuring kitang espesyal, sabi nila tigas daw ng ulo ko! Sabi ko, di bale, mahal kita.
 
Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit anong gawin mo, di ka mamahalin niyan dahil meron shang mahal na iba? Iiyakan mo lang sha at masasaktan ka lang. Bakit ko alam? Siyempre minahal kita e.
 
Isang araw, mawawala ka din sa isip ko. May papalit din sayo. Di ko lang alam kung sino. Pagdasal mo naman wag sana niyang saktan ang puso ko, tulad ng nagawa mo.
 
May mga taong gago, may mga taong tanga. Kapag nagmahal ka ng taong ayaw sayo, gago ka. Kapag di mo alam na may nagmamahal sayo, tanga ka. Ako alam ko gago ako, sana lang di ka tanga.
 
May nakapagsabi sa akin, hirap mo daw mahalin. Inisip ko kung bakit. Dahil ba busy ka lagi? Dahil ba maraming may gusto sayo? O dahil may mahal ka ng iba? Pero hindi rin, bakit ako? Kahit masakit, mahal kita?
 
Sabi mo mahal niya ko. Sabi mo di niya ako iiwan at sasaktan. Sabi mo para talaga kami sa isa't isa. Tangina! Kung sabihin ko kaya sayong ikaw ang mahal ko at hindi sha, maka-imik ka pa kaya?
 
Sabi nila, buti pa raw ako may minamahal, may reason para ngumiti, may reason para maging masaya. Alam mo kung ano sabi ko sa kanila? Buti pa kayo hindi nasasaktan.
 
I'm afraid to lose you. I'm not sure why. It's not that I can't live without you. It's just that, I'm afraid the day would come, you'll forget about me and just say, "Sinong ______?"
 
Kailan kaya ulit darating yung araw na tayo'y magkasama? Na tayo'y magiging masaya at mamahalin pa rin ang isa't isa? Maghihintay pa rin ako. Pero kailan nga kaya? Ah, siguro kapag nakalimutan mo na sha.
 
Hainaco! Nakakainis naman! Bakit kasi dumating ka pa sa buhay ko tapos iiwan mo lang pala ako ng walang rason. Bakit kasi pina-ibig mo pa ako kahit may mahal ka ng iba? Bakit kasi ayaw mo kong mahalin? Bakit? May mahal ka na bang iba?
 
Naging tayo nung wala na kayo. Sabi mo minahal mo sha pero mas minahal mo ko. Masaya pa nga tayo diba? Ngayon bumabalik sha, iniwan mo ko. Ngayon pa! Na di ko na kayang mawala ka.
 
You were about to jump from a building and you were about to fall. But before that, you looked down and I wasn't there at all. So you feared the fall, you didn't know what to do. But then I held your hand and said, "Pwede ba ko sumama?"
 
Iniwan kita di dahil ayoko na sayo. Tinalikuran kita di dahil galit ako. Lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita. Umalis lang ako kasi ayoko nang umiyak habang nakikita kang masaya sa piling niya.
 
Isa lang pala diyan ang mahal ko. Pili pa ko ng pili kung sino sa kanila. Yun pala hindi "sila" ang nakita ko kundi "ikaw".
 
Kapag sobrang lapit mo sa isang kaibigan, natututunan mong mahalin noh? Wag kang lalapit sa akin ha? Baka kasi mahalin kita e, tapos para pala sayo, kaibigan pa rin ako.
 
Kapag dumadaan ka, deadma lang. Kapag kinakausap mo ko, deadma lang. Kapag tinutukso nila ako sayo, deadma lang. Kahit naman kasi malaman mong mahal kita, deadma ka lang.
 
Magmahal ka ng iba, magmamahal din ako. Kahit ilan pa, ganon din ako. Tumagal man kayo, ganon din ako. Pero bakit ganon? Umiiyak ako, dahil tinotoo mo.
 
Kapag wala na ko, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang na malaman mo na malungkot ako. Bakit? Kasi wala kang ginawa, hinayaan mo lang ako mawala.
Nasaktan ka ba nung malaman mong may mahal shang iba? Sana nga nandon ako. Nabulong ko sana, "Yan din yung naramdaman ko nung sinabi mo na kayo na pala."
 
If you love someone, makukuntento ka na lang bang nakikita mo lang sha? Kuntento ka na lang bang masabi mo sa kanya na mahal mo sha? E di kung ganon, tama lang pala na mapunta sha sa iba. Sayang nga lang naghintay pa sha, kasi ikaw ang mahal niya, kuntento ka na pala.
 
Bakit di mo na lang sabihin ang totoo? Na pampalipas oras mo lang ako, na wala kang pakialam sa nararamdaman ko, na kahit anong mangyari, sha pa rin ang mahal mo. Mahirap bang sabihin yun?
 
Sa buhay, di mahalaga kung mahal ka ng mahal mo. Basta importante mahal mo sha at masaya ka kapag nakikita mo sha. Kahit na may kasama sha na di ikaw kundi iba.
 
Sana kapag naalala mo ko, hindi masasamang salita ang sabihin mo. Sana kapag dumating yung oras na yun, kapag narinig mo pangalan ko, heto marinig ko… "Ah yun? Love na love ako non e!"
 
Bakit ka pa dumating kung guguluhin mo lang pala ako? Paiibigin mo lang pala ako sayo tapos ngayon, sasabihin mo, aalis ka na? Ngayon pa! Ngayon pang mahal na kita?
 
Minsan, naisip ko kung bakit ba ako nagsasayang ng oras sayo e di naman tayo. Pero kahit ganito ang sitwasyon, isa lang ang tandaan mo, nandito lang ako kahit pampalipas oras mo.
 
Di ko maisip kung bakit mo ako iniwan. Di ko maisip kung bakit mo ako ginawang tanga. Di ko maisip kung bakit kailangan akong masaktan. Putcha! Di ko maisip kung bakit mahal na mahal pa rin kita.
 
Ayoko naman talagang mag-isa. May choice pa ba ako e mas pinili mo sha? Masakit man pero ganon ata talaga, mas mahal mo sha. May magagawa pa ba ako? Wala naman diba?
 
This is the last day I'll be wishing for you, the last time I shall cry and the last moment I shall hurt myself. Tomorrow if I see you, I'll just whisper, "Tama na, mashado na kitang minahal."
 
Minsan na ko nagmahal, minsan na din nasaktan, minsan nang naging tanga, dahil minsan minahal kita. Papayagan ko pa ba maulit? Bakit hindi? E minsan lang ako naging masaya, nang mahalin ka.
 
I miss the way you make pa-cute and I say, "Epal!" I miss the way you shout, "Cute mo!" and I say, "Talaga lang ha?" But one thing I miss most is when you joke me "I love you" and I say "Sana nga."
 
Akala ko kaya ko na mag-isa, kaya ko na kahit wala ka. Kahit makita kitang may kasamang iba, ok lang kasi kaya ko na. Pero nung nakasalubong kita kasama sha, nasabi ko na lang, "Putcha! Iba pala kapag totoo na."
 
Don't stop your tears from falling, coz I'm here to wipe them dry. Coz I'm here to make sure, everything will be alright. Coz I'm here, just here. Promise. Di kita iiwan.
 
Minahal? Sino? Ikaw? Sino nagmahal? Ako? Pwede ba! Ang sakit ng ginawa mo tapos iisipin mo na minahal kita? Kahit kailan di kita minahal. Tanga lang talaga ako kasi hanggang ngayon mahal kita.
 
Tinanong ko si God, sabi ko, "Bakit mo sha kinuha sa akin? Binigay ko naman lahat-lahat." Sabi niya, "Di ka kasi nagtira para sayo." Sabi ko, "Ganito kasi ako magmahal." Sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo. Pati ako."
 
Alam mo nung nagkita tayo at nakilala kita, umisip ako ng mga paraan kung paano mapapalapit sayo. Hanggang magsimula na akong tumawag at hanggang naging tayo. Nung naging tayo, natakot akong baka magbago ka. Ngayong sobrang mahal kita, mahal na mahal, natatakot naman akong mawala.
 
Nang di ko aminin na mahal kita akala ko naisahan kita. Pero mali pala ako, dahil nang magpasya kang layuan ako, dala-dala mo ang puso ko.
 
Miss ko na ang mga oras na magkasama tayo, yung mga kwentuhan natin at kulitan. Gusto ulit kitang makasama, paano na yan? Kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati e akin ka?
 
Sabi mo mahal na mahal mo ko. Sabi mo pa gusto mong maging tayo. Natuwa ako sa mga sinabi mo kasi matagal kong hinintay itong pagkakataong ito. Sabi ko mahal na din kita pero bigla kang tumawa at sinabi mong, "Naniwala ka?"
 
Wala akong pinangarap kundi makasama ka. Wala akong inisip kundi paano ka mapaligaya. Wala akong pinagdasal kundi sana ikaw na. Pero wala akong nagawa para maging tayong dalawa.
 
Nakita mo kong may kausap na iba, at inakala mo na sha ang mahal ko. Nakita mo kong hawak ang kamay niya at di sayo, ngunit di mo nakitang nagpaalam ako sa kanya dahil mas pinili kita.
 
Inisip ko ang daya mo kasi nangako kang di mo ko iiwan. Pero minsan inisip ko kung ano mas madaya, yung iwan mo ko o yung pinilit kitang mangako?
 
Sabi nila, "Iwan mo na", sabi ko ayoko. Sabi nila tama na daw, sabi ko ayos lang ako. Tanong nila kung kaya ko pa raw ba? Napaiyak ako nung sinabi kong, "Mahal ko, kaya kakayanin ko."
 
Ayoko na mag-illusyon, baka masaktan na naman ako. Ayoko na mangarap tapos di magkakatotoo. Ayoko na umasa tapos mabibigo lang. Mamahalin na lang kita ng di mo alam.
 
Sabi mo iwan kita. Sabi mo ayaw mo na. Sabi mo may bago ka na. Kaya hinayaan kita… tapos bigla mong tinanong, "Ikaw? Musta ka na?" Sagot ko naman, "Heto, mahal pa rin kita…"
 
Kapag namatay na ko, shempre si God tanong sa akin kung ano last wish ko. Ako naman malamang hahanapin kita. Kapag nakita kitang umiiyak, sasabihin ko, "Lord, pwede hug ko muna si ________? Love ko kasi yun e."
 
Sana akin ka na lang para di ka na iiyak. Sana akin ka na lang para di ka na masasaktan. Sana akin ka na lang para di ka na aasa. Sana ako na lang sha, na mahal mo ng sobra-sobra.
 
Oo, siguro nga di sa lahat ng oras e aasa tayo sa mga pangarap natin. Masasaktan lang tayo. Kasi di lahat ng pangarap natin para sa atin, di lahat dapat na matupad. Parang ako, pangarap kita, hanggang pangarap lang.
 
Sabi ng iba, nakaka-inggit daw ako, di naman ako cute. Sabi nila ang swerte ko daw, di naman ako rich. Sabi pa, yabang ko raw. Ikaw ba naman magkaron ng _______ sa buhay mo e!
 
Sabi ko, "Mahal na mahal kita." Sabi mo, "Sus! Alam ko na yan." Tanong ko, "Mahal mo rin ba ako?" Sabi mo, "Oo naman!" Napaluha ako sa tuwa tapos sabi mo, "O wag ka na umiyak bestfriend ko."
 
They say its stupid to fall for you coz you'll just hurt me. They say, just forget you coz you'll never love me. You know what I told them? "E pakialam niyo ba? Inggit lang kayo kasi sha mahal ko, kayo hindi!"
 
Ikaw na walang inisip kundi sarili mo, ikaw na mahilig magpaasa. Oo, ikaw! Na walang ibang mahal kundi sarili mo. Paki ko! Basta ako, isa lang ang mamahalin ko, ikaw. Oo, ikaw!
 
Alam mo, nasasaktan ako kapag kasama kita. Bakit kaya? Mahal mo naman ako at mahal din kita. Pero sa nararamdaman ko, magkasama lang tayo, parang magkaibigan. Sha pa rin nasa puso mo e, diba?
 
Kung sabihin ko kayang mahal kita, makakibo ka kaya? E kung tayo na lang, payag ka ba? Sa palagay ko hindi kasi ang tinatanong mo sha, di naman ako diba? Alam mo, friend ko yun. Lakad kaya kita? Kahit masakit, basta masaya ka.
 
Bakit ganon? Noon sabi mo maghintay ako kasi meron pang "kayo". Ako naman naghintay nga. Nung wala na kayo ngumiti ka at akala ko meron ng "tayo". Yun pala may iba at bagong "kayo" na.
 
Someone asked me if I really loved you. I just keep quiet, closed my eyes, I smiled, opened my eyes and simply walked away. Then I whispered, "Mahal na mahal".
 
I've always thought that I have to fight for what I really feel. I fought, got hurt and still I tried to give it a chance. But now, I don't know if I still believe that. Tao lang ako, napapagod din.
 
This night, I wish you might take a look at the stars above you. One of them shall slowly fade and still you might never know. E sa dami ba naman ng stars na nakikita mo, ano nga naman sayo kung mawala ako?
 
Sabi ko suko na ako. Sabi ko di na kita mahal. Sabi ko malilimutan rin kita. Sabi ko di na kita kailangan. Sabi ko masaya na ako. Sabi ko yun, pero sana yun din ang sabi ng puso ko.
 
Kailan mo masasabi na hindi mo na sha mahal? Yung talagang nakalimutan mo na sha? Yung kahit na magmakaawa sha, tatanggihan mo sha? Di mo masabi noh? Dahil ang totoo, sha pa rin ang mahal mo.
 
Gusto kita, alam mo yun. Mahal kita, alam mo yun. Nagmukha na akong gago sa kakahabol sa pag-ibig mo. Pero tuwing nakikita ko na masaya kang kasama sha, sinasabi ko na lang na nasasaktan ako at alam mo yun.
 
Alam ko maraming beses ka nasaktan. Pero swerte ka pa rin dahil madaming nagmamahal sayo. E ako? Heto, nasaktan din. Pero ni minsan di ko naranasan na mahalin tulad ng ginagawa ko sayo.
 
Masakit man isipin na sha ang nasa isip mo. Masakit man isipin na sha ang kasama mo. Mas lalong masakit isipin na sha ang buhay mo at ikaw naman ang buhay ko.
 
Minahal kita, pinahalagahan kita. Anong ginawa mo? Ginago mo ko. Sabi mo mahal mo rin ako. Pero ano? Iniwan mo ko. Bumitaw ako, pero pinabayaan mo ko. Buti na lang dumating sha, at sinalo ako.
 
Mahal kita pero sinabi ko sayo di pa ako handa. Pilit kitang nilimot pero hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nasa isip. Muli akong umaasa na baka bumalik ka. Pero nalaman ko may mahal ka na palang iba.
 
Mahal kita, ikaw ba? Ah, mas mahal mo sha. Tangina, di magsama kayo! Maghahanap na lang ako ng iba. Pero makahanap man ako, gusto ko pa ring malaman mo na ikaw lang ang nag-iisang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko.
 
Mahal kita. Sabi mo mahal mo din ako. Kaya heto ako umaasang magiging tayo. Pero nung dumating sha, nagbago ka na. Ang sabi mo pa nga sha na ang mahal mo. Tanong ko lang sayo, paano na ako?
 
Pumayag akong mawala ka dahil doon ka masaya. Pumayag akong masaktan dahil alam kong doon ka masaya. Pumayag akong umiyak dahil doon ka masaya. Napilitan akong pumayag kasi alam kong sa iba ka sasaya.
 
Sabi mo kahapon miss mo na ako, pero ngayon, yun din ang sinabi mo sa kanya. Sabi mo pa kahapon masaya ka kapag kasama mo ako, yun din naman ang sinabi mo sa kanya ngayon. Sabi mo mahalaga ako sayo, pero ganyan din ang sinabi mo sa kanya ngayon. At sabi mo pa nga sa akin kahapon na mahal na mahal mo ako, alam ko yan din ang sinabi mo sa kanya ngayon. Pwede bang sha na lang ang kahapon at ako ang ngayon?
 
How I wish I could have you. How I wish I could make you mine. But most of all how I wish I could show my love for you. Now I have to close my eyes and say to myself, "Sayang!"
 
Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat para sa kanya. Maghihintay ka, magtitiis, ibibigay lahat. Kahit alam mong para sa kanya kaibigan ka lang. Ang masakit, yun lang…
 
Kahit masakit hahayaan na kitang iwan ako. Desisyon mo namang wag na akong mahalin, diba? Pero hayaan mong sabihin kong "Mahal pa rin kita" kasi kahit papaano umaasa pa rin akong hindi pa huli ang lahat para talikuran mo ako.
 
Minsan naitanong ko sa sarili ko, "Iniisip mo kaya ako?" Aba! Ewan ko. Di ko alam. Wala akong idea. Pero ok lang yun. Sanay naman akong laging binabaliwala e.
 
Kahit ano pang sabihin mo, nandito pa rin ako para sayo. Kahit na di ka naniniwala na gagawin ko lahat para sayo, ok lang. Kahit na sabihin mong natatakot kang baka di ko kayang maghintay at baka nahihirapan na ako, ok lang. Pero alam mo madali lang namang maghintay e, ang higit na kinakatakot ko ay ang mawala ka sa buhay ko.
 
Kamusta ka na? Balita ko wala na kayo? Balita ko malungkot at masamang-masama ang loob mo? Ang sakit diba? Pero buti nga sayo! E di naramdaman mo rin ang naramdaman ko nung ako ang iniwan mo.
 
Balita ko mahal mo pa sha? Totoo ba? Ouch! Sensha ka na ha? Mahal kasi kita. Pero kapag ayaw na niya sayo, nandito lang ako. Kahit panakip-butas lang, ok na. Kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw.
 
Akala ko mahal mo ko. Akala ko tayo ng dalawa. Akala ko di mo ako iiwan. Hainaco! Ang tanga ko talaga para maniwala sa mga maling akala ko.
 
Akala ko wala na akong nararamdaman para sayo. Akala ko kaya ko nang mabuhay ng wala ka. Akala ko kaya ko nang magmahal ng iba. Pero ang di ko inakala, heto pa rin ako, baliw na baliw sayo.
 
Ang dali mo akong napaniwalang mahal mo nga ako. Ang dali mong nakuha ang tiwala ko. Ang dali mong napahulog ang loob ko sayo. Ang tanga ko naman! Ang dali kong nahulog sa patibong mo!
 
Ano ba ang dapat? Ang matutunang mahalin ang taong hindi mo mahal pero nagmamahal sayo? O ang umasang mamahalin ka rin ng taong mahal mo pero ayaw sayo?
 
Hindi mo na kailangang sabihing di mo ako mahal at ayoko ng malaman. Matagal mo na akong sinaktan. Sabi ko sa sarili ko, pinatay mo na rin ako ng mag-desisyon kang sumama sa iba at iwan ako.
 
Bakit ganon? Minsan kahit alam mo nang mahal ka nung tao lalo mo pang sinasaktan? Nagmamahal ka ng iba habang sha, umiiyak. Diba ang sakit isipin? Kung kailan mahal mo na, saka pa nawala.
 
Think of this: naging kayo, mahal mo pa sha pero may mahal na shang iba. Ngayon, anong gagawin mo? Fight for what you feel kahit di ka na niya pansin? O let go kahit nasasaktan ka kasi friend mo mahal niya.
 
Mahal kita kaya iniwan ko sha. Mahal kita kaya pinaglaban kita. Mahal na mahal kita kaya pati buhay ko binigay ko na. Pero tangina, di mo sinabing may mahal ka na.
 
Wala na ba talaga? Ang sakit naman. Pero ok lang. Sana nga lang, sagutin mo ang tanong ko sayo. Minahal mo ba talaga ako?
 
You said you care for me. You said you need me. You said you love me. But when I was about to say "I love you", you said, "Practice lang! Di ko kasi masabi sa kanya e."
 
I always thought that you feel the same way I do. I was very happy! But when I turn back, I saw you with someone else. Then I asked you, "Bakit mo ako pinaasa?" You said, "Di kita pinaasa. Mahal kita. Friend kita diba?"
 
Minsan, nakakainis magmahal. Bigay ka nang bigay pero kulang pa rin. Magpapakatanga ka, iiyak, ikaw ang iiwas, pero ikaw din ang masasaktan. Hintay ka nang hintay, pero tangina, ikaw din ang iiwan.
 
Mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka. Wala kang magawa kundi tumahimik hanggang ilayo nila sayo ang taong pinakamamahal mo. Doon mo maiisip, "Sana pinaglaban ko sha".
 
Ito na siguro ang pinakahihintay kong araw. Masasabi ko na yung bagay na gusto kong mangyari. Matagal din akong naghintay. Mahirap pero nakaya ko. Hai sa wakas, hindi na rin kita mahal.
 
Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo rin, di mo ko iiwan. Yun din ang sabi mo sa kanya. Pero bakit sa kanya hindi ka nagsinungaling?
 
When you're too scared to look ahead and you're too hurt to look behind, look beside you, I'll be right there. So take my hand and don't let go. Takot din ako, pero di nang-iiwan.
 
Sinabi mo "Di ko kayang wala ka". Ang sarap pakinggan, isipin na minamahal ka, yung may tumuturing sayong importante. Ang masakit doon, sa iba mo sinabi, narinig ko lang.
 
Akala mo ok lang sayo na may mahal shang iba. Tapos isang araw, nakita mo shang masaya sa piling niya. Wala kang nagawa kundi umupo na lang sa isang sulok at doon umiyak, "Tangina, di ko pala kaya."
 
Sana matutunan mo akong mahalin balang araw. Alam kong imposible para sayo, pero ako'y hindi titigil na umasa dahil balang araw, mamahalin mo rin ako. Imposible man para sayo.
 
What if totoo nga? Ok lang yan, dami pa namang lalaki dyan. E bakit ka malungkot? Mahal ko na kasi sha e. Dati ba hindi? Oo, sinagot ko lang naman sha kasi gwapo niya. Gago ka! Bakit mo naman nasabi? Mahal ka din niya, yun nga lang noon pa.
 
Kahit gaano kasakit, ok lang, mahal kita e. Mas minamahal kita kapag nasasaktan ako. Ang labo ko rin noh? Martyr ako e, tanga pa! Pero alam mo, marunong din ako sumuko.
 
Bakit ganon? Sabi mo dyan ka lang, sabi mo di mo ako iiwan. Ako naman, kinilig at naniwala. Pero iniwan mo ko, wala ka na. Pero thanks ha! At least nalaman ko, hanggang salita ka lang pala.
 
Minsan, nakakainis magmahal. Bigay ka nang bigay pero kulang pa rin. Magpapakatanga ka, iiyak, ikaw ang iiwas, pero ikaw din ang masasaktan. Hintay ka nang hintay, pero tangina, ikaw din ang iiwan.
 

Aren't You Tired Yet Keep Goin'

all rights reserved: RogerBeng Nunez